Sa ating bansa, maraming kaganapang nangyayayari na nakakaapekto
sa ekonomiyang bansa. Ang mga kaganapang ito ay nababalita upang malaman ang
problema ng bansa at isa rito ang problema sa suplay. Ano nga ba ang suplay?
Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na
handa ipagbili sa iba’t- ibang lebel ng presyo sa isang takdang panahon. Marami
ang nakakaapekto sa suplay at isa dito ay ang presyo. Kapag ang presyo ay
tumataas, marami ang handang ipagbili ng mga prodyuser.Kapag ang presyo ay
bumababa, kakaunti lamang na produkto ang handang ipagbili ng mga prodyuser .
Kapag ang presyo ay bumababa, kakaunti laman na produkto ang handang ipagbili
ng ng prodyuser. Ito ang tinatawag na
batas ng suplay pero hindi lamang ang presyo ang nakakapagpabago ng suplay. Meron
ring mga salik na nakakakpagpabago ng suplay at ito ang teknolohiya na tumutukoy
sa sa paggamit ng makabagong kaalaaman at kagamitan Sa paglikha ng produkto.
Ang dami ng nagtitinda ng isang produkto ay isa ring salik at ito ang dahilan
kung bakit dumadami ang suplayng nasabing produkto. Ang subsidy ay ang tulong
na ipinagkaloob ng pamahalaan sa
maliliit na negosyante upang paramihin ang kanilang produksyon. Ang kagastusan
tulad ng buwis ay nakakaapekto rin. Ang panahon at ekspektasyon ay kabilang
din.
Manila,Phlippines-Ang presyo ng bigas, Bawang at luya ay tumataas ngayog taon
pati na ang petrolyo. Nag pagtaas ng presyo
ng bawang, bigas at luya ay dulot ng mababang suplay. Sa kasalukuyan,
inaasahang magigigng matatag ang suplay kapag dumating ang mga inangkat. Ang mga
produktong ito at ang produktong
petrolyo ay kulang sa pamilihan o mataas ang halaga.
Maraming bagay ang nakakaapekto sa presyo ng produktong
petrolyo at ilan dito ay ang mga kaguluhan sa ibang bansa. Ang pagbangon ng
America, China at Europe. Ang mga bansang ito ay kompetisyon at dahil dito,
patuloy na tumataas ang presyo ng petrolyo kahit sa kabila ng mga balitang
gumaganda na ang ekonomiya ng bansa ay tila hindi ito nararamdaman sa aspetong
patuloy ang pagtaas ng presyong petrolyo at iba ring produkto.
No comments:
Post a Comment